Matagal-tagal na din akong di nakapagsulat dahil sa busy schedule at kung anu-anong activities na ginagawa aside sa pag-aalaga kay baby. Marami na rin syang level-up simula noong huling beses akong sumulat. Natuto na syang gumapang at umupo, konti na lang at makakasabay ko na syang maglakad at di ko na lang mapapansin, magkakaboypren na […]
Ubo dito, ubo doon. Bahin dito, Bahin doon. Ito ang unang pagkakataon na nagkasakit si baby. Nakakaawa, masama pakiramdam nya pero di nya masabi dahil sa pag-iyak lang nya maipaparating ang nararamdaman nya. Sa bawat ubo at bahin, parang may binabaon sa puso naming mag-asawa. Totoo nga ang sabi ng matatanda, na mas gugustuhin pa […]
Patuloy pa rin ang puyat, gastos at umaapaw na pagmamahal. Habang tumatagal, palaki na nang palaki si baby. At pag sinabi kong palaki nang palaki, vertical at mas ang horizontal. Dumadaldal na rin sya, sinusubo ang kamay at umaasim na rin ang kanyang mga singit-singit sa katawan. Paborito ko itong amuyin kahit amoy humpy dumpy […]
Haligi ng tahanan kung ipakilala sya noong elementarya. Provider at idol sa iba. Mayroon din namang sira-ulo at gagong mga ama pero hindi natin maikakaila, kagaya ng mga ina, utang natin ang buhay natin sa kanila. Medyo kakaiba na makatanggap ka ng text at greetings sa facebook ng happy father’s day. Kapreho siguro ito ng […]
Matapos ang saya, matapos ang ligaya ay tinamaan na ako ng antok. Wala akong tulog maghapon dahil sa biglaang caesarian operation ni misis. Kaya’t matapos ang chores ng mga nurse sa akin (mga 3 beses akong pabalik-balik pharmacy at nursery) ay sinubukan kong magpahinga. Di naman ako nahirapan, dahil pagkakain ko ng burger na dapat […]
Ika-6 ng Mayo, tumigil ang mundo ko at binasag ng malakas na iyak ang aking pagka-tao dahil matapos ang siyam na buwan na paghihintay at pananabik, lumabas na si Kulasa, este si Mary Kaitlin. Ganito ko natatandaan ang mga pangyayari: April 26, 2014 – Nakahanda na ang mga gamit ni misis dahil sa mga panahong […]
Noong mga unang buwan ng pagbubuntis ni misis, maraming nagtatanong kung babae ba daw o lalaki. Nakailan din kaming ultrasound(patakas) at umaasang baka machambahan namin at makita ang kasarian ng aming baby. Ngunit hindi namin nalaman ito hanggang nung 6 months na sya sa tiyan ni misis. Ang mga kaibigan namin ay nagpupustahan pa, kung […]
As soon as malaman naming na buntis nga si misis, kami ay agad naghanap ng doctor na bukod sa malapit sa aming tinitirhan ay accredited din dapat ng aming health card. Libre ang check-up kung ang OB nyo ay accredited doctor ng health card nyo, check-up lang mga nanay at tatay ha, hindi kasama dyan […]
Matapos ang isang buwan ng pagbubuntis ni misis, kami ay inadvise ng kanyang ob na magpaultrasound. Transvaginal Ultrasound daw ang aming ipagawa. Ang akala ko, lahat ng ultrasound ay parepareho lang, yung parang may plantsa na ipapaikot sa tiyan ng buntis. Mali ako, may ibat’-iba pala itong klase at itong Transvaginal ay yung pinapasok sa […]
Isang araw, hindi na dinatnan si misis. Madalas namang ganoon gawa ng irregular naman ang kanyang period. Sakto, sinabi ko sa kanya na napanaginipan kong buntis na sya. Naisipan lang naming mag pregnancy test pero hindi naman umaasang siya ay buntis, yata. At tinuloy na nga namin, tuwing magtetest kami, ako ang tumitingin ng resulta. Medyo […]