
Matagal-tagal na din akong di nakapagsulat dahil sa busy schedule at kung anu-anong activities na ginagawa aside sa pag-aalaga kay baby. Marami na rin syang level-up simula noong huling beses akong sumulat. Natuto na syang gumapang at umupo, konti na lang at makakasabay ko na syang maglakad at di ko na lang mapapansin, magkakaboypren na sya at ako na ang kanyang di papansinin. Nagsimula ang lahat sa frog-like jump na gapang. Habang tumatagal, lumalakas na ang mga bisig ni baby….